Scene 1
Lulan ng bus pauwi galing paaralan, may isang lalaking pilit
na sumakay kahit siksikan na sa loob. Suot ang polong checkered. Tumayo sa
gitna na waring magbubukas na panibagong
pag asa
Scene 2
Isang panibagong araw muli sa paaralan. Sa asignaturang
Filipino : Retorika magaganap ang isang makapanindig- balahibong eksena. Ang
lahat ay inaasahang mababalisa matapos ang pangyayari
Scene 3
Isang pagpaplano sa pagitan ng mga estudyante ang magaganap.
Ang iba ay nagkasundo na samantalang ang iba naman ay pilit paring magtatalo sa
oras at araw kung saan nila gagawin ang isang
pagsubok. Magtatalo dahil sa sunod na linggo na ang pasahan at hindi na
pwedeng ma extend pa
Scene 4
Ang pagsasagawa ay magaganap ng hindi inaasahan. Lulan ng
jeep ang bida at ang mga extra sa eksena magtutungo sila sa isang pagtitipon
upang ipagdiwang ang kaarawan ng kanilang kamag-aral na may kalayuan mula sa
paaralan
Scene 5
Impromptu. Walang pagpaplano o paghahanda , gagawin ng bida
ang isang pagsubok. Gamit ang kanyang mga sandata ay magsisimula sya sa
pagbati, susundan ng dasal at susundan pa ng susundan ng susundan.
Scene 6
Abot hanggang langit ang ngiti ng bida matapos nyang magawa
iyon. At dahil may chibugan maya maya isang tumbling-split ang gagawin ng lahat
ng mga karakter sa palabas.
WARNING : BUKAS
MAKALAWA, ILALAGAY ANG VIDEO